3 tinedyer nalunod

BATANGAS, Philippines — Nauwi sa trahedya ang masayang pag­­babakasyon sana ng tatlong tinedyer na babae makaraang malunod habang naliligo sa ilog ka­makalawa ng hapon sa Sitio Bayasan, Barangay Aga sa bayan ng Nasugbu, Batangas.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Janet Insigne, 14; Cristy Avena,17; at si Jenelyn Bar­celon,18, pawang nakatira sa Barangay Cogonan.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Antonio Malabanan, masayang naliligo ang tatlo sa mababaw na bahagi ng Layon Ilog nang magkakasunod na ma­lunod matapos na mapunta sa malalim na bahagi ng ilog. Sinikap pang sagipin ang tatlong biktima pero na­matay na rin. Arnell Ozaeta

Show comments