Suspek sa coed slay arestado

BULACAN, Philippines - Nalutas na ang kaso ng panghoholdap at brutal na pagpatay sa isang estudyante ng Bulacan State University  noong 2007 makaraang masakote ng pulisya ang pangunahing suspek sa Northville V, Barangay Batia, Malolos City, Bulacan. 

Kinilala ni P/Supt. David Poklay, ang suspek na si Ricardo Del Rosario, alyas Ading Pitik ng nabanggit na barangay at ika-9 sa talaan ng Most Wanted Person sa Bulacan.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos City Regional Trial Court Branch 78, nadakip si Del Rosario na sinasabing responsable sa pamamaslang kay Apple Ortega noong Hulyo 18, 2007 sa bahagi ng Barangay Biñang 1, Bocaue, Bulacan. Boy Cruz

Show comments