7 sasakyan nagkarambola: 4 dedo

MANILA, Philippines - Dahil sa makapal na usok ng sinunog na kogon, apat-katao  ang iniulat na nasawi matapos magka­rambola ng pitong sasak­yan sa kahabaan Kilometer 64 ng Subic Clark Tarlac Exchange sa Pampanga ka­ma­kalawa ng hapon.

Kabilang sa mga idi­neklarang patay sa Ma­balacat District Hospital ay sina Sylvia Eustaquio, Ze­naida Doctor at ang 6-anyos na si Margaret Sylen Gero­nimo habang nama­tay na­man sa St. Raphael Medical Foundation Hospital si Cristina Geronimo.

Batay sa report na na­ka­rating sa Camp Crame, naganap ang sakuna da­kong alas-3 ng hapon ma­tapos na mag-zero visibility dahil sa makapal na usok na bumalot sa highway na na­sasakupan ng Brgy. Sapang Balen, Ma­balacat, Pam­panga ma­lapit sa eastbound na bahagi ng SCTEX.

Isinugod naman sa San Rafael Foundation Medical Cen­ter ang mga sugatang sina Janice Tabacungan, Jerryldean Acierto na kap­wa sa­kay ng Toyota Avan­za; Chris­tian Tuazon, dri­ver ng Toyota Grandia; Me­lody Ge­ronimo, Shena Rica Taga­bu­hin, Zoe Na­than Taga­bu­hin, atbp.

Kabilang sa mga sasak­yang nagkarambola ay ang To­ yota Avanza utility vehicle (ZJV-296), Toyota Corolla (TLT- 578), Toyota Innova (RFG-231), Mitsu­bishi Ad­ven­ture (SHG-397), Forward truck (RAG-459), Honda Civic (MCP-99) at ang Toyota Hi-Ace (FLG111). Joy Cantos

Show comments