Death toll sa Aurora tumaas sa 10-katao

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 10-ka­tao ang naitalang namatay sa malagim na pagkahulog sa bangin ng truck na kina­lululanan ng mga taong dadalo sana sa kasalan sa naganap na sakuna sa Barangay Dianawan, sa bayan ng Maria Aurora, Aurora, ayon sa opisyal na ulat kahapon.

Una nang napaulat ang pagkamatay ng lima-katao sa trahedya nang aksiden­teng mahulog sa may 30 metrong lalim na bangin ang Isuzu Elf truck.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Pedro Sabado, Rosalina Barbado, Mac­clean Macadaeg, Delia Ventura, Jimmy Macadaeg, Dion Macadaeg, 5; Maximo Ravena, Mary Grace Nava, 42; Myra Barbado, 13; at si Carlito Francisco, 24.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na ang mga biktima na pawang taga-Panga­sinan ay patungo sana sa Barangay Bangco para dumalo sa kasalan nang makasalubong si kamata­yan sa malalim na bangin noong Lunes ng umaga sa Barangay Dianawan.

Nabatid na nasa 27-katao na magkakapamilya ang lulan ng truck nang maganap ang trahedya. Joy Cantos

Show comments