Holdap: Trader pumalag tinodas

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang pumalag sa holdap ang isang negosyante kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong holdaper sa bisinidad ng Poblacion sa bayan ng Carmen, North Cotabato kamakalawa.

Napuruhan ng mga bala ng cal . 45 pistol sa ulo, tiyan at likurang bahagi ng katawan ang negos­yanteng si Akmad Kasan, buy and sell trader ng mais at palay.

Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen malapit sa Rio Grande River habang ang ne­gosyante ay abala sa pamimili ng mais at palay na siya nitong ikinabubuhay.

Gayon pa man, nanlaban ang biktima kaya nairita at niratrat ng mga suspek at mabilis na tumakas tangay ang P.3 milyong cash. Joy Cantos

Show comments