MANILA, Philippines - Trahedya ang sumalubong sa idaraos na masayang kasalan makaraang mahulog sa bangin ang trak na sinasakyan ng mga bisitang dadalo sa okasyon na ikinasawi ng lima-katao kahapon ng umaga sa bayan ng Maria Aurora, Aurora.
Kabilang sa mga namatay ay sina Pedro Sabado, Rosalina Barbado, Macclean Macadaeg, Delia Ventura at si Jimmy Macadaeg na pawang nagtamo ng maseselang sugat sa katawan.
Naisugod naman sa Baler Hospital ang mga nasugatang biktima na karamihan ay kamag-anak at kaibigan ng ikakasal.
Sa report ni P/Senior Supt. Romulo Esteban, na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insi dente sa bisinidad ng matarik na bahagi ng highway ng Brgy. Dianawan na sinasabing killer highway.
Napag-alamang nagmula ang Isuzu Elf truck na may plakang PHE-152 na kinalululanan ng hindi pa madeterminang bilang ng mga pasaherong mula sa Pangasinan na dadalo sana sa kasalan sa Brgy. Bangco nang mahulog sa may 30 metrong lalim ng bangin.
Pinaniniwalaan na mang namiskalkula ng driver ang matarik na highway kaya nakasalubong ang trahedya.