^

Probinsiya

Dadalo sa kasalan... Trak hulog sa bangin: 5 todas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Trahedya ang suma­lu­bong sa idaraos na masa­yang kasalan makaraang mahulog sa bangin ang trak na sinasakyan ng mga bisitang dadalo sa okasyon na ikinasawi ng lima-katao kahapon ng umaga sa bayan ng Maria Aurora, Aurora.

Kabilang sa mga na­ma­tay ay sina Pedro Sa­bado, Rosalina Barbado, Mac­clean Macadaeg, Delia Ventura at si Jimmy Maca­daeg na pawang nagtamo ng maseselang sugat sa katawan.

Naisugod naman sa Baler Hospital ang mga nasugatang biktima na karamihan ay kamag-anak at kaibigan ng ikakasal.

Sa report ni P/Senior Supt. Romulo Esteban, na na­­karating sa Camp Cra­me, naganap ang insi­ dente sa bisinidad ng ma­tarik na bahagi ng highway ng Brgy. Dianawan na sinasabing killer highway.

Napag-alamang nag­mula ang Isuzu Elf truck na may plakang PHE-152 na kinalululanan ng hindi pa madeterminang bilang ng mga pasaherong mula sa Pangasinan na dadalo sana sa kasalan sa Brgy. Bangco nang mahulog sa may 30 metrong lalim ng bangin.

Pinaniniwalaan na­ mang namiskalkula ng driver ang matarik na highway kaya nakasalubong ang tra­hedya.

vuukle comment

BALER HOSPITAL

BRGY

CAMP CRA

DELIA VENTURA

ISUZU ELF

JIMMY MACA

MARIA AURORA

PEDRO SA

ROMULO ESTEBAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with