P.5M paninda, naabo sa kwitis
SOLANO, Nueva Vizcaya , Philippines — Aabot sa P.5 milyong paninda at ari-arian ang naabo matapos masunog ang isang gusali dahil sa kwitis sa bisperas ng Pasko sa pamilihang bayan ng Solano, Nueva Vizcaya.
Naganap ang sunog dakong alas-9:45 ng gabi sa Jon-Ren General Merchandise sa Aldersgate College Mall ng Barangay Quirino. Ayon sa mga nakasaksi, bago sumiklab ang apoy ay may mga namataang mga bata na naglalaro ng paputok kung saan aksidenteng pumasok sa loob ng gusali ang mga kwitis.
Tumagal ng 25-minutong ang sunog bago maapula ang apoy at hindi na nadamay ang iba pang mga katabing stall. Napag-alaman na mabilis ang pagtupok ng apoy dahil sa mga panindang papel at tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) na nasa loob ng gusali. Victor Martin
- Latest
- Trending