BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines — Isang kandidato sa pagka-municipal councilor sa May 2010 elections ang iniulat na inundayan ng saksak habang namimigay ng regalo sa Christmas party noong Huwebes ng gabi sa bisinidad ng Barangay Villa Luna, Cauayan City, Isabela.
Ayon kay P/Chief Inspector Roberto Bucad, PIO ng Isabela PNP, si ex-Councilor Edwin De Luna ay biglang inundayan ng dalawang saksak ni Ernesto Madriaga habang namimigay ng Pamasko sa Christmas party sa Purok 14, Barangay Villa Luna dakong alas 8:30 ng gabi.
Kahit sugatan at may tama sa dibdib si De Luna ay nagawang gumanti at ipinutok ang baril kay Madriaga na idineklarang patay sa Medical Specialist Hospital.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananaksak matapos mapag-alaman na sina De Luna at Madriaga ay kapwa malapit kay Cauayan City Mayor Caesar Dy.Victor Martin