Bike vs kotse: Chairman dedo

BATAAN , Philippines   – Hindi na naibahagi ng isang Barangay Chair­man ang kanyang Pamasko sa mga inaanak makaraang masalpok ang kanyang big bike ng Toyota Corolla habang tumatawid sa Roman Superhighway, Brgy. Ala-Uli, sa bayan ng Pilar, Bataan kamakalawa ng gabi. Idinek­la­rang patay sa Bataan General Hospital si Chairman Eduardo Cam­pano ng Brgy. Nagwaling. Pormal naman kinasu­han ng pulisya ang drayber ng kotse na si Ronaldo Ursolum na isang inhin­yero ng Petron refinery sa bayan ng Limay, Bataan. Lumilitaw sa inisyal na ulat ni PO2 Elvin Mar Espiritu Bunio, naganap ang sakuna sa kurbadang kalsada kung saan nasalpok ng kotse (TGB 947) ni Ursolum ang kaliwang bahagi ng motorsiklo (GC9057) ni Campano. Jonie Capalaran

Show comments