Dalagita pinilahan ng akyat-bahay

LEGAZPI CITY, Philippines — Malagim na bangungot ang su­ma­lubong sa Kapas­kuhan sa isang 14-anyos na dalagita matapos itong halinhinang gahasain ng mga armadong kalalakihan na nanloob sa kanilang tahanan sa Naga City, Ca­marines Sur kama­kalawa ng ma­daling-araw.

Nasa state of shock pa bunga ng insidente ang bik­timang itinago sa pa­ngalang Gracia sa ma­saklap nitong sinapit sa kamay ng mga buhong na mag­nanakaw.

Base sa police report na nakarating sa Camp Si­meon Ola, naganap ang kri­men sa tahanan ng pamilya ng dalagita sa St. Jude Village, Concepcion Pequena, Naga City da­kong alauna y medya ng madaling-araw.

Lumilitaw na natutulog ang biktima at ang ina nito nang bigla na lamang puwersahang pasukin ng mga armadong lalaki. Agad iginapos ang gi­nang at saka halinhinang ginahasa ang walang kala­ban-­labang magandang dalagita.

Hindi pa nakuntento ma­tapos pilahan ang da­lagita ay tinangay ng mga kawatan ang iba’t ibang alahas, tatlong celpon, computer speaker, camera at P820.00 cash. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pu­lisya. Ed Casulla 

Show comments