Dalagita pinilahan ng akyat-bahay
LEGAZPI CITY, Philippines — Malagim na bangungot ang sumalubong sa Kapaskuhan sa isang 14-anyos na dalagita matapos itong halinhinang gahasain ng mga armadong kalalakihan na nanloob sa kanilang tahanan sa Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng madaling-araw.
Nasa state of shock pa bunga ng insidente ang biktimang itinago sa pangalang Gracia sa masaklap nitong sinapit sa kamay ng mga buhong na magnanakaw.
Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, naganap ang krimen sa tahanan ng pamilya ng dalagita sa St. Jude Village, Concepcion Pequena, Naga City dakong alauna y medya ng madaling-araw.
Lumilitaw na natutulog ang biktima at ang ina nito nang bigla na lamang puwersahang pasukin ng mga armadong lalaki. Agad iginapos ang ginang at saka halinhinang ginahasa ang walang kalaban-labang magandang dalagita.
Hindi pa nakuntento matapos pilahan ang dalagita ay tinangay ng mga kawatan ang iba’t ibang alahas, tatlong celpon, computer speaker, camera at P820.00 cash. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya. Ed Casulla
- Latest
- Trending