14 nalason sa Christmas party

MANILA, Philippines - Labing apat-katao ka­bilang ang isang 15-anyos na binatilyo ang iniulat na isinugod sa ospital ma­ka­raang malason sa inihan­dang pagkain sa ginanap na Christmas party ng pribadong kumpanya sa Cebu City, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ang binatilyo na si Ervin Michael, anak ni Jesus Rey Cavalida, 45, kung saan ang misis nito ay kawani ng Henry Lhuil­lier pawnshop na tumang­gap ng award bilang 25 years in service.

Ang bata ay isinama lamang ng kaniyang ama sa nasabing Christmas party.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, dakong alas- 7 ng gabi habang nagkakasayahan ang mga kawani ng nasa­bing kumpanya sa pagdiri­wang ng Christmas party sa Sports Club ng lungsod nang maganap ang insi­dente.

Gayon pa man, ilang oras matapos na kumain ay naudlot ang kasiyahan matapos na magsimulang manakit ang tiyan, sumakit ang ulo at magsuka ang mga biktima.

Bunga nito, ay agad na isinugod sa Perpetual Soc­cour Hospital ang mga bik­tima na sinasabing matindi ang pagdudumi

Sa pahayag ni Alice Lo­resta, personnel manager ng H. Lhuillier, na ang mga biktima ay na discharge na sa ospital kamakalawa matapos malapatan ng gamot.

Sa panig ni Noemi Solon, general manager ng City Sports Club, sinabi nito na paiimbestigahan nila ang insidente upang ma­batid kung ano talaga ang nangyari kaugnay ng pag­kalason ng mga biktima.

Kaugnay nito, sinusuri na ng mga health official sa pangunguna ni Dr. Expe­dito Medallo ng Regional Epidemiology Surveillance Unit ang sample ng pag­kain particular na ang shellfish.

Show comments