BULACAN, Philippines— Malungkot na Pasko ang sasalubong sa pamilya ng isang 14-anyos na dalagita na sinasabing hinalay ng mga ‘di-pa kilalang adik sa bawal na droga bago matagpuan patay kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Ilang-Ilang sa bayan ng Guiguinto, Bulacan. Bandang alas-4 ng madaling-araw nang matagpuan sa La Eldea Subd. sa nabanggit na barangay ang hubu’t hubad na katawan ni Jasmin Magpayo ng Rosal St., Barangay Dakila, Malolos City, Bulacan. Sa imbestigasyon nina SPO2 Jimmy Ortega at PO2 Mervin Ongcamua, huling namataang buhay ang biktima na makikipagkita sa kanyang nobyo para magsimbang gabi sa Masagana Homes. Subalit hindi na nagkita ang magsyota hanggang sa matagpuang patay ang dalagita. Boy Cruz