Harassment vs Joaquin tumitindi

LAGUNA, Philippines— Isa uma­nong political harassment ang ginagawa laban sa ku­­ makandidatong si ex-1st District Congresswo­man Uliran Joaquin ma­tapos itong sampahan ng kasong perjury. Hindi na­man tinu­koy ng kampo ni Joa­quin kung ano ang pa­nga­lan ng taong nagsampa sa kanya ng kasong perjury, subalit may hinala sila na ang nasa likod nito ay ang kanayng kalabang politiko. Nabatid sa kampo ni Joa­quin na ang pama­ma­raan ng kanilang kala­ban sa politika ay isa uma­nong political harassment at ma­ituturing na isa itong des­peradong hakbangin. Si­nabi pa ng kampo ni Joa­quin, na inihahalintulad siya kina Bulacan Governor Joselito Mendoza, Isa­bela Governor Grace Pa­daca, na pinatalsik ng Com­­mission on Elections, dahil ang tunay aniyang nagwagi sa bilangan ay ang mga kalaban ng mga ito, na sinasabing mga ma­nok naman ng kasaluku­yang administrasyon. Hindi pa man aniya nananalo sa pagka-kongresista si Joa­quin ay ginagawan na ani­ya ng paraan ng kala­ban nito na mapatalsik.

Show comments