MANILA, Philippines - Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang alagad ng batas makaraan itong maputulan ng ulo nang suyurin at makaladkad ng may 25 metro ng truck na nakabundol sa sinasakyan nitong motorsiklo sa kahabaan ng highway sa bayan ng Dasol, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang biktima na si SPO4 Edgar Poblete, 44, may asawa at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit.
Ang biktima na halos nagutay ang katawan ay napugutan pa ng ulo ma karaang makaladkad ng Fuso truck na may plakang RGA-972 na minamaneho ni Raul Batis tiana, 29, ng Sta. Barbara, Pangasinan.
Sa naantalang ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang sakuna may dalawang araw na ang nakalipas sa national highway ng Barangay Amalbalan.
Base sa police report, kasalukuyang minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklong Loncin sa highway nang makasalubong ang killer truck ni Batistiana.
Sa kamalasan ay sumabit pa sa truck ang katawan ng biktima kung saan tuluyan itong napugutan ng ulo kung saan nagkagutay sa malagim na sakuna.
Nasakote naman ang drayber ng truck na isinailalim na sa kustodya ng pulisya kaugnay ng kinakaharap nitong kasong criminal.