Sanggol natusta sa sunog

ANTIPOLO CITY , Philippines  — Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang sanggol na lalaki makaraang natusta sa nasusunog na bahay kahapon ng madaling-araw sa Purok Sepina, Sitio Langhaya sa Barangay Dela Paz, Antipolo City, Rizal. Bandang ala-una y medya nang maganap ang sunog kung saan nakulong si Mark Jade Chavez habang sugatan nailigtas ang dalawa nitong utol na sina John Kenneth, 3 at John Rafael, 4. Sa ulat ng Antipolo police, lumilitaw na iniwan ng inang si Evelyn Chavez ang kanyang tatlong anak na natutulog para hanapin ang asawa na sinasabing nakikipag-inuman ng alak sa mga kaibigan. Nang bumalik si Evelyn ay nasusunog na ang kanyang tahanan na sinasabing nagmula sa gaserang natabig ng isa sa kanyang anak. Danilo Garcia

Show comments