Eskuwelahan pinasabugan

MANILA, Philippines - Niyanig ng dalawang malalakas na pagsabog ang Liang Elementary School sa bayan ng Jolo, Sulu sa panibagong pag­hahasik ng lagim ng mga bandidong Abu Sayyaf Group kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Major Gen. Ben Mohammad Dolorfino, naitala ang insidente bandang ala-1:45 ng madaling-araw kung saan dalawang bomba ang naitanim sa basurahan ng nabanggit na paaralan. Wala naman nasawi o nasugatan sa pagsabog. Joy Cantos

Show comments