BULACAN , Philippines — Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 18-anyos na saleslady matapos na halayin ay ginilitan at pinagsasaksak pa ng dalawang kalalakihan na sinasabing lango sa bawal na droga kahapon ng madaling-araw sa bisinidad ng Barangay Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan.
Bandang ala-una ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ni Jesa Aw ng nabanggit na barangay.
Pormal na kinasuhan habang nakapiit ang mga suspek na sina Maximo Enriquez, 20, traysikel drayber, ng Sitio Matang Tubig, at Jerry Fernando, 37, ng Fernando’s Apartment.
Sa police report na nakarating kay P/Supt. Marcos Rivero, lumilitaw na papauwi ang biktima mula sa simbang gabi nang harangin at kaladkarin ng mga suspek patungo sa apartment na pag-aari ng isa sa suspek na si Jerry.
May palatandaang nanlaban ang biktima matapos halayin ng mga suspek kaya pinatahimik bago inabandona ang bangkay nito sa basement ng apartment.