Baril at goons, bawal sa Cagayan
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Upang maiwasan ang anumang karahasan at pananakot ng ilang kandidato sa May 2010 elections ay hiniling nito ang pagbabawal sa paggamit ng baril at goons sa Cagayan. Ito ang naging hamon ni ex-Cagayan Rep. Juan “Jack” Ponce Enrile Jr., anak ni Senate President Juan Ponce Enrile Sr., sa mga pulitiko upang maiwasan ang anumang isyu ng pang-aabuso lalo na sa pagpasok ng campaign period para sa 2010 elections. “I assure you that all Cagayanos will be protected. I have made representations with the police and military, election officials and local authorities to ensure that armed groups would not be allowed to intimidate us during the elections,” pahayag ni Enrile. Ang Cagayan ay isa sa mga lugar kung saan may mga naitalang election-related violence sa mga nakaraang panahon at sinasabing gawain ng ilang armadong grupo na alaga ng mga kilalang pulitiko. Si Enrile na tatakbo bilang diputado ay makakalaban si Buguey Mayor Ignacio Taruc. “No group will be allowed to bring out illegal firearms and private armies during and even after elections,” dagdag pa ni Enrile. Victor Martin
- Latest
- Trending