40 NPA rebs kinasuhan

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pormal na kina­suhan sa piskalya ang 40 rebeldeng New People’s Army kaugnay sa pagsa­lakay sa himpilan ng pu­lisya sa bayan ng Divila­can, Isabela noong Nob­yembre 29, 2009.

Ayon kay P/Senior Supt Jimmy Rivera, police director ng Isabela, inilabas na ang warrant of arrest ka­makalawa laban sa grupo ng Bagong Hukbong Ba­yan kaugnay sa kasong robbery na inihain ng pu­lisya matapos salakayin ang naturang himpilan.

Kabilang sa mga kina­suhan ay ang lider na si Rey Villadorez, alyas Ha­rold Magno; Jay Valencia, at Mario Agustin, kapwa miyembro ng executive committee ng Central Front ng CPP-NPA sa Isabela.

Sa tala ng pulisya, ti­nangay ng mga rebelde ang ilang malalakas na kalibre ng baril, bala at iba pang gamit.

Kasunod nito, hindi na­man sinaktan ng mga re­belde ang ilang naka-duty na pulis na sina PO1 Din­gaya at PO1 Espanto na la­bis ang pagkabigla nang tumigil sa harapan ng kanilang him­pilan ang dumptruck na pu­no ng mga armadong re­belde. Victor Martin

Show comments