P4 M tangay ng Acetylene Gang

MANILA, Philippines - Umaabot sa P4 milyong halaga ng ari-arian at cash ang natangay ng mga miyembro ng Acetylene Gang ma­karaang pasukin ang pawnshop sa Barangay Kingking sa bayan ng Pantukan, Compostella Valley kamakalawa ng umaga. Na­ganap ang insidente sa Hill Star Merchadizing and Pawnshop na pag-aari ni Vicenta Vasquez. Tugis na­man ng pu­lisya ang mga suspek na sinasabing pina­ngu­nahan ni Henry Garcia na nagpanggap na mga karpintero nang upahan ang abandonadong gusali sa tabi ng esta­blisyemento. Sa police report, nagawang makapasok sa na­tu­rang establisye­men­to ang mga suspek matapos wasakin ang konkretong dingding sa pagitan ng kanilang tinutuluyan at ng naturang pawnshop. Natangay ng mga suspek ay ang P1,097, 057.25 cash; P 2.2 milyong ginto at sari-saring alahas. Nare­kober ng pulisya ang, plastic hose, acetylene tank, hand drill at dalawang martilyo. Joy Cantos

Show comments