P4 M tangay ng Acetylene Gang
MANILA, Philippines - Umaabot sa P4 milyong halaga ng ari-arian at cash ang natangay ng mga miyembro ng Acetylene Gang makaraang pasukin ang pawnshop sa Barangay Kingking sa bayan ng Pantukan, Compostella Valley kamakalawa ng umaga. Naganap ang insidente sa Hill Star Merchadizing and Pawnshop na pag-aari ni Vicenta Vasquez. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sinasabing pinangunahan ni Henry Garcia na nagpanggap na mga karpintero nang upahan ang abandonadong gusali sa tabi ng establisyemento. Sa police report, nagawang makapasok sa naturang establisyemento ang mga suspek matapos wasakin ang konkretong dingding sa pagitan ng kanilang tinutuluyan at ng naturang pawnshop. Natangay ng mga suspek ay ang P1,097, 057.25 cash; P 2.2 milyong ginto at sari-saring alahas. Narekober ng pulisya ang, plastic hose, acetylene tank, hand drill at dalawang martilyo. Joy Cantos
- Latest
- Trending