Ex-NPA inutas sa harap ng anak

MANILA, Philippines - Binaril at napatay sa harapan ng kaniyang tatlong anak ang isang rebel-returnee ng mga dati nitong kasa­mahang New People’s Army sa bahagi ng Sitio Barobo, Brgy. Dagohoy, sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte kamakalawa. Lumilitaw sa police report na bandang alas-2 ng hapon nang pasukin ang bahay ni Efren Obaton, 32, saka isinagawa ang pamamaslang ng grupo ni Kumander Ian ng Guerilla Front 35 ng NPA rebs. Joy Cantos

Show comments