^

Probinsiya

Trak hulog sa bangin: 5 patay

-

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­malubong sa limang si­bilyan makaraang mahulog sa matarik na bangin ang truck na kargado ng gulay kahapon ng umaga sa bayan ng Tuba, Benguet.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Roberto Manlugat at Hero Cita habang patu­loy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pa.

Sa report ng pulisya na nakarating sa Camp Cra­me, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Camp 2 sa Kennon Road, bandang alas-11:15 ng umaga.

Kasalukuyang buma­bagtas sa nabanggit na highway ang Fuzo elf truck na may plakang UAL-155 na minamaneho ni Roberto Manlugat nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Matapos na mawalan ng preno ang trak habang pa­baba sa matarik na bahagi ng highway ng Kennon Road ay sumal­pok pa sa railing bago bumu­lusok sa may 500 metrong lalim na bangin. Joy Cantos

vuukle comment

BENGUET

CAMP CRA

FUZO

HERO CITA

JOY CANTOS

KABILANG

KAMATAYAN

KENNON ROAD

ROBERTO MANLUGAT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with