^

Probinsiya

2 volunteer ni Pacman itinumba

- Ni John Paul Jubelag -

GENERAL SANTOS CITY , Philippines  — Pinaniniwalaang may kaugnay sa May 2010 eleksyon ang pama­mas­lang sa dalawang volunteer ng People’s Champ Movement ni boxing champ Manny “Pacman” Pacquiao makaraang ambusin ng mga di-pa kilalang kalala­kihan noong Biyernes sa bisinidad ng Barangay Datu Dani sa bayan ng Kiam­ba sa Sarangani.

Kinilala ni P/Senior Supt. Resty Gatera, ang mga napatay na sina Alex­ander Ampan, SK chairman ng nabanggit na ba­rangay at Nacorol Agil, da­ting barangay kagawad.

Ayon sa ulat, ang dala­wa na lulan ng motorsiklo habang papauwi mula sa kanilang bukirin sa Ba­rangay Gasi nang ratratin pagsapit sa bahagi ng Tuban Bridge sa Purok Lanzones.

Itinanggi naman ni Ga­tera na ang motibo ng pa­mamaslang ay may kaug­nayan sa politika.

Napag-alamang bago mapatay sina Ampan at Agil na sinasabing kasama ng coordinator ng political party ni Pacman na si Art Peduca ay namahagi pa ito ng PCM survey form sa iba’t ibang barangay sa na­banggit na bayan.

Napilitang ihinto ng tatlo ang pamamahagi ng PCM survey form nang mapan­ sin nilang may sumusunod sa kanila na tatlong motor­siklo na may lulang mga kalalakihan. 

Idinagdag pa ni Peduca na isang araw bago ma­ganap ang pamamaslang kay Agil na kinumpirma nito na may mga taong galit sa kanila dahil sa volunteering sa political camp ni Manny Pacquiao.

Nagbigay naman ng financial assistance sa mga biktima ang tagapagsalita ng PCM na si Atty. Min­veles Gulle.

AGIL

AMPAN

ART PEDUCA

BARANGAY DATU DANI

CHAMP MOVEMENT

NACOROL AGIL

PACMAN

PUROK LANZONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with