Massacre site kinatatakutan

MANILA, Philippines - Patuloy na tuma­ tang­ging bumalik sa kani-ka­nilang mga tahanan ang may 100 pa­mil­yang resi­dente ng Sitio Ma­salay, Barangay Salman, Am­patuan, Maguindanao mu­la nang magsilikas sila mula dito kasunod ng pag­ka­kapaslang ng may 57 katao sa kanilang lugar noong Nob­yembre 23.

 Nabatid kahapon kay Armed Forces of the Philippines- Eastern Mindanao Command Spokesman Major Randolph Cabangbang na, kahit kontrolado na ng tropa ng militar ang sitwas­yon, natatakot pa ring mag­sibalik ang mga residente sa Sitio Masalay.

Sa naturang lugar inili­bing ang 57 katao na sina­sabing pinaslang ng mga tauhang CVO ng angkang Ampatuan habang patungo sila sa Commission on Elections para isampa ang certificate of candidacy ng kandidatong gober­nador ng Maguindanao na si Esmael “Toto” Mangudadatu.

Sa kasalukuyan ay na­natili pa sa evacuation center ang mga nagsilikas na residente sa labas ng Ba­rangay hall sa nasa­bing munisipalidad. Joy Cantos

Show comments