ZAMBALES, Philippines — Nagsanib puwersa ng mga kilalang angkang-pulitiko sa Zambales makaraang pormal na i-endorso ni ex-Zambales Governor Vicente Magsaysay ang kandidatura ni ex-DPWH Secretary Hermogenes Ebdane Jr., para sa gubernatorial race sa nabanggit na lalawigan.
Ang pinagsanib na puwersang Magsaysay-Ebdane ay pormal na inihayag sa pagpupulong ng Zambales Mayors League kung saan inihayag ang pag-atras sa gubernatorial race ng anak ni Magsaysay na si Rose upang bigyang daan ang kandidatura ng Ebdane.
Dahil sa political realignment, sina ex-DPWH Sec Ebdane at ang re-electionist na si Gov. Amor Deloso na lamang ang maglalaban sa gubernatorial race, kung saan sa kabila ng pagkakaroon pa ng mga hindi kilalang kandidato tulad nina Myrna Flordelisa Español ng Alpha Omega 9K Party at Hilary Dantes Pangan ng Ang Kapatiran Party.
Sa ginawang political caucus ng walo sa labintatlong alkalde sa Zambales, isang resolusyon din ang ipinasa na nag-iindorso sa kandidatura ni Ebdane. Kasama rin sa resolusyon ang pag-indorso kina Rep. Mitos Magsaysay para sa panibagong termino bilang kongresista sa 1st distrito ng Zambales gayundin kay Vicente Magsaysay na tatakbo sa mayoralty race sa Olongapo City. Alex Galang