11 dedo sa Bukidnon encounter

MANILA, Philippines - Umaabot na sa labing-isa katao kabilang na ang siyam na rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napas­lang sa paniba­gong sagu­paan laban sa tropa ng pa­maha­laan sa liblib na bahagi ng Va­lencia City, Bukidnon noong Mar­tes ng hapon.

Ayon kay Army’s 4th Infantry Division spokesman Major Michelle Anayron, lumilitaw na siyam na re­belde at isang sundalo ang napatay sa sa­gupaan ha­bang tatlo namang sundalo ang nasugatan sa naganap na sagupaan ng grupo ni Alberto “Ka Berto” Na­varro   at tropa ng Army’s 403rd Infantry Brigade ni Col. Ni­canor Dolojan sa kabun­dukan ng Barangay Banlag.

Gayon pa man, habang pa­patakas ang mga rebel­de ay nasabat naman ng reinforcement troops kung saan ay muling nagkaroon ng bak­bakan na nagre­sulta sa pagkakapatay sa siyam na rebelde.

Narekober naman ang siyam na baril sa encounter site na kinabibilangan ng li­mang M16 rifles, 2- M 14 Armalite rifles at 2-Garand rifles. Joy Cantos

Show comments