MANILA, Philippines - Apat na sibilyan ang iniulat na dinukot ng mga miyembro nng Civilian Volunteers Organization (CVO’s) na sinasabing private armed groups ng mga Ampatuan sa naganap na karahasan sa Barangay Talisawa, sa bayan ng Datu Sangki, Maguindanao kamakalawa ng madaling-araw. Kabilang sa mga kinidnap ay sina Marcial Enriquez, Marjon Manampit, Samir Amil at si Trabe Peni. Sa ulat ni P/Senior Supt. Bienvenido Latag, acting police director ng Autonomous Region of Muslim Mindanao, lumilitaw na dinala sa bahagi ng kagubatan ng Upper Talisawa ang mga biktima na sinasabing gagawing human shield laban sa tumutugis na militar at pulisya. Sa panig naman ni Lt. Col. Mike Samson, spokesman ng AFP sa Maguindanao operations, na nakatanggap sila ng impormasyon na ginawa lamang guide ang mga bihag kung saan hindi pa nakakabalik sa kanilang mga tahanan. Joy Cantos