Padaca, naghain na ng mosyon sa Comelec

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Pormal nang nag­hain ng motion for reconside­ration si Isabela Gov. Grace Pa­daca kaugnay sa naging de­sisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nag­pa­patalsik sa kanya sa puwesto para sa kanyang ka­tunggali noong 2007 election na si ex-Governor Benjamin Dy.

Sa 800-pahinang motion ay inihain ng abogado ni Padaca na si Donna Lerona kamakalawa ng hapon sa Comelec central office sa Intramuros, Manila.

Nagbigay ng 5-araw na pa­lugit ang Comelec sa kampo ni Padaca upang mag­hain ng motion matapos luma­bas ang 12,000 pahina na desisyon ng Comelec pabor kay Dy.

Bagama’t inamin ng kam­po ni Padaca na sadyang pi­na­hirapan sila sa 12,000 pahi­nang desisyon ng Comelec ay na­gawa pa rin nilang maka­paghain ng motion sa loob lamang ng 5-araw.

Samantala, inaabangan naman bukas ng kampo ni Dy ang pasya ng Comelec para sa kanilang inihain na motion for the issuance of writ of execution sa naging desis­yon ng 2nd Division.  

Iginiit naman ni Padaca na ipaglalaban niya hanggang sa Supreme Court kung sakaling muling paboran ng Comelec ang kampo ni Dy. Victor Martin­

Show comments