Supermarket sa Batangas naabo

BATANGAS  , Philippines  —Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang tatlong palapag na supermarket-department store noong Linggo ng madaling-araw sa JP Laurel Highway sa Tanauan City, Batangas.

Ayon kay P/Supt. Neo Palicpic, nagsimulang ku­malat ang apoy sa unang palapag ng Citimart Town Center bandang alas-3 ng madaling-araw.

Umabot sa task force alpha ang sunog kung saan tumulong na rin ang bumbero mula sa mga bayan ng Taal, Rosario, Lipa, Malvar, Talisay, Padre Garcia, Sto. Tomas at Calamba. Arnell Ozaeta

Show comments