NPA rebels dedo sa bakbakan

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa mga rebeldeng New People’s Army makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Brgy. Cagmanaba, sa bayan ng Jipapad, Eastern Samar kamakalawa. Gayon pa man, ayon kay Lt. Col. Armand Rico, spokesman ng Army’s 8th Infantry Division, inaalam pa ang pangalan ng napatay na rebelde na inabandona ng mga nagsitakas na kasama­ han. Bandang alauna ng hapon nang makasagupa ng tropa ng 63rd Infantry Battalion sa pamumuno ni 1st Lt. Rodrigo Sinoy Jr. ang mga armadong rebelde kung saan narekober sa encounter site ang dalawang M16 rifles habang wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa panig ng militar. Joy Cantos

Show comments