BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines – Muling nanindigan si Isabela Governor Grace Padaca na lalaban siya hanggang sa kataas-taasang hukuman upang ipakita, hindi lamang sa mga mamamayan ng Isabela kundi sa ating buong bayan na naniniwala ng katotohanan ang maling sistema at katiwalian na nangyayari sa bansa.
Ito ay matapos na magpalabas ang Comelec 2nd division na nagsasabing lisanin na si Gov. Padaca sa kanyang puwesto para kay ex-Governor Benjamin Dy na idineklarang panalo noong 2007 elections batay sa inihaing election protest.
“I can’t give-up. This is not just about me anymore. It’s no longer about Isabela. It’s no longer about Grace Padaca. This is a fight for the future, a fight to protect and preserve the dignity of institutions (like the Comelec) against (corrupt) systems,” pahayag ni Padaca.
“I can’t imagine how my 17,000-vote lead over (Benjamin Dy) would be turned around just that easy. If that’s the case, we would rather have no elections at all. Let’s just enter into a package deal with the Comelec,” pahayag ng naluluhang si Padaca sa radio interview.
Noong 2007 elections ay nakakuha si Padaca ng 237,128 laban kay Dy na may 220,121 kung saan nanalo si Padaca ng 17,207 boto, subalit batay naman sa resulta ng Comelec 2nd division, lumalabas na si Padaca ay nakakuha ng 198,384, habang 199,435 si Dy na lumamang naman ng 1,051.
Ayon pa kay Padaca, ang 12,092 pahina na naging desisyon ng Comelec ay tila sinadya upang pahirapan din silang makapag-file agad ng motion for reconsideration sa loob ng 5-araw na ipinagkaloob sa kanila.
Matatandaan na kinampihan naman ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal si Padaca sa pagsasabing malaking kahihiyan ang naging desisyon ng Melo Commission.
Ayon kay Macalintal, matapos ang desisyon, hindi na nito alam kung paano pa pagkakatiwalaan ang Comelec sa pagresolba sa mga aasahang protesta sa 2010 elections.
“The decision of the Comelec in Padaca case is a big blow to the integrity of the Melo Commission. I don’t know how we could still trust Comelec with this kind of decision in future cases involving candidates in the 2010 elections. I have some clients who are victims of scandalous decisions of the Comelec. What a shame!” ani Macalintal. Victor Martin