^

Probinsiya

Padaca, lalaban hanggang Supreme Court

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  –  Muling nanin­di­gan si Isabela Governor Grace Padaca na lalaban siya hanggang sa kataas-taasang hukuman upang ipakita, hindi lamang sa mga mamamayan ng Isa­bela kundi sa ating buong bayan na nanini­wala ng katotohanan ang maling sistema at katiwa­lian na nangyayari sa bansa.

Ito ay matapos na mag­­palabas ang Comelec 2nd division na nagsasa­bing lisanin na si Gov. Pa­daca sa kanyang puwesto para kay ex-Governor Ben­jamin Dy na idinekla­rang panalo noong 2007 elections ba­tay sa inihaing election protest.

 “I can’t give-up. This is not just about me anymore. It’s no longer about Isabela. It’s no longer about Grace Padaca. This is a fight for the future, a fight to protect and preserve the dignity of institutions (like the Comelec) against (corrupt) systems,” pahayag ni Padaca.

 “I can’t imagine how my 17,000-vote lead over (Benjamin Dy) would be turned around just that easy. If that’s the case, we would rather have no elections at all. Let’s just enter into a package deal with the Comelec,” pahayag ng naluluhang si Padaca sa radio interview.

Noong 2007 elections ay nakakuha si Padaca ng 237,128 laban kay Dy na may 220,121 kung saan na­nalo si Padaca ng 17,207 boto, subalit batay naman sa resulta ng Comelec 2nd division, lumalabas na si Padaca ay nakakuha ng 198,384, habang 199,435 si Dy na lumamang naman ng 1,051.

Ayon pa kay Padaca, ang 12,092 pahina na naging desisyon ng Co­melec ay tila sinadya upang pahirapan din silang maka­pag-file agad ng motion for reconsideration sa loob ng 5-araw na ipinag­kaloob sa kanila.  

Matatandaan na kinam­pihan naman ng kilalang election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal si Padaca sa pagsasabing malaking kahihiyan ang naging desisyon ng Melo Commission.  

Ayon kay Macalintal, matapos ang desisyon, hindi na nito alam kung paano pa pagkakatiwa­laan ang Comelec sa pag­resolba sa mga aasahang protesta sa 2010 elections.

 “The decision of the Comelec in Padaca case is a big blow to the integrity of the Melo Commission. I don’t know how we could still trust Comelec with this kind of decision in future cases involving candidates in the 2010 elections. I have some client­s who are victims of scandalous decisions of the Comelec. What a shame!” ani Macalintal. Victor Martin

vuukle comment

AYON

BENJAMIN DY

COMELEC

GOVERNOR BEN

GRACE PADACA

ISABELA GOVERNOR GRACE PADACA

MACALINTAL

MELO COMMISSION

PADACA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with