BULACAN , Philippines – Aabot sa P.4 milyong bigas na lulan ng isang truck ang hinayjak ng mga armadong kalalakihan kamakalawa sa binisidad ng Brgy. Pandayan sa bayan ng Meycauayan, Bulacan. Bandang alas-5 ng hapon nang madiskubre ang trak (RDA 557) na nakaparada sa gilid ng highway na wala na ang 220 sakong bigas na pag-aari ni Manuel Lim ng Brgy. Caloocan, San Jose City, Nueva Ecija. Ayon kay P/Supt. Rolly Tumalad, dadalhin sana ang kargamento sa Maynila mula sa Nueva Ecija nang harangin ng mga armadong kalalakihan. Nawawala rin ang drayber at pahinante ng trak na pinaniniwalaang tinangay ng mga hayjaker. Boy Cruz