Simbahan pinasabugan

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang compound ng Saint Jerome Parish Church makaraang hagisan ng gra­nada ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan kamakalawa sa Barangay Poblacion sa bayan ng Tapaz, Capiz. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nadamay ang Mitsu­bishi Lancer (UTR 298) na pag-aari ni Rev. Carl Tomasito Andrada, 49, na nakaparada sa gilid ng simbahan. Wala namang na­iulat na nasugatan o kaya nasawi kung saan narekober sa crime scene ang safety lever at isang granada na may tatlong piraso ng gre­nade fragments. Joy Cantos

Show comments