Parak binoga

CAVITE, Philippines — Isang aktibong miyembro ng pulisya ang nasawi nang barilin habang sakay ng isang motorsiklo at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Sabang H-way, Naic, Cavite, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si PO3 Ferdinand Tibayan Baquiran, 48-anyos, may asawa, residente ng Capitol Hills, Phase Apple Blossom St., Trece Mar­tirez City at nakatalaga sa National Capital Region. Na­kaligtas naman ang anak ni Baquiran na si Franz at ang driver na si Melo Perez na kasama niya nang mga sandaling iyon. Hindi naman nakilala ang dalawang salarin na matapos ma­sigurong patay na ang biktima ay mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo. Magkakaangkas ang mag-amang Baquiran at Perez sa isang Honda Wave 125 motorsiklo nang mabaril ang biktima. Cristina Timbang

Show comments