GUIGUINTO, Bulacan, Philippines — Palaisipan pa din sa pulisya ang karumal-dumal na nangyari sa isang ginang na 78 na beses tinadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ng hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng bahay nito sa isang lugar sa Barangay Tiaong sa bayang ito kahapon ng hapon. Nakilala ang biktima na si Mary Grace Ramirez, 29, may-asawa, administrador ng mga hanay ng apartment ng kanilang pamilya at residente ng naturang barangay. Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Merwin Ongcamua, dakong alas-4:00 ng hapon. Nang matuklasan ang bangkay ng biktima. Boy Cruz