^

Probinsiya

Arms keeper ng Ampatuans nabuking

-

MANILA, Philippines - Natukoy na ng security forces ng pamahalaan ang isa sa umano’y mga ‘firearms keeper” o tagaingat ng mga ar­­mas ng maimpluwensiyang angkan ng mga Ampatuan na itinuturong nasa likod ng Maguindanao massacre no­ong Nobyembre 23.

Kasabay nito, naglunsad na ng massive manhunt operations ang pinagsanib na elemento ng pulisya at militar laban sa suspek na si Maca­pagal Kamendan.

Si Kamendan ang uma­no’y umaaktong chief security sa compound ng pamaha­laang panlalawigan ng Autonomous Region for Muslim Mindanao sa Cotabato City.

Ang paglutang ng panga­lan ni Kamendan ay kasunod naman ng pagkakadiskubre sa 20 matataas na kalibre ng baril na pag-aari umano ng kanyang grupo at itinago sa bagong tayong septic tank sa likod ng Regional Telecommunications Office sa ARMM compound.

Sa deskripsyon ng mga sundalo, ang mga narekober na armas ay hindi ordinaryong baril na ginagamit ng mga taga-bantay sa government at private properties. Sinabi naman ni Task Force 12 Alpha Commander Chief Supt. Felicisimo Khu na inihahanda na nila ang mga posibleng kaso laban kay Kamendan. Joy Cantos

ALPHA COMMANDER CHIEF SUPT

AUTONOMOUS REGION

COTABATO CITY

FELICISIMO KHU

JOY CANTOS

KAMENDAN

MUSLIM MINDANAO

REGIONAL TELECOMMUNICATIONS OFFICE

SHY

SI KAMENDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with