8 sugatan sa road mishap

OLONGAPO CITY , Philippines — Walo-katao ang iniulat na nasugatan matapos na sumalpok sa pader at lumagos ang truck sa kabahayan sa Otero Avenue sa Barangay Mabayuan, Olongapo City kahapon ng tanghali.

Kabilang sa mga sugatang naisugod sa James L. Gordon Memorial Hospital ay sina Arlene Custodio, 47; Adriane Mark, 16; Analiza Coronado, 37; John Joseph, 7; Jennamae Coronado, 16; Philip Pariola, 17; Mi­guel Gatos, 16; at ang drayber ng truck na si Elmer Dacpano. Sa inisyal na ulat ng Olongapo City Traffic Management Bu­reau, lumilitaw na magdedeliber sana ng construction materials ang truck (ZCD-711) ng Diamond Trading na mina­maneho ni Elmer Dacpano ng Balic-Balic, Barangay Sta Rita nang mawalan ng preno.

Naipit ang mga biktima na sina­sabing nagtitinda ng pagkain sa harap ng kanilang bahay. Inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa drayber ng trak na si Dacpano. Randy Datu at Alex Galang

Show comments