BULACAN , Philippines — Pinaniniwalaang may kaugnayan sa nakabinbing kaso ng bawal na droga ang pagpaslang sa isang 34-anyos na misis kung saan nadamay at malubhang nasugatan ang kanyang utol na babae sa naganap na pamamaril kamakalawa sa Brgy.Tabon sa bayan ng Pulilan, Bulacan.
Nasapol sa ulo ng bala ng baril si Alicia Manalad habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang kapatid na si April Manalad,19, na tinaman sa likurang bahagi ng katawan.
Ayon kay PO1 Timoteo Espiritu, lumilitaw na papauwi na ang mag-utol lulan ng motorsiklo (3554RD) nang tambangan ng mga armadong kalalakihan. Boy Cruz