^

Probinsiya

2,000 kawal ng Ampatuan pumosisyon

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 2,000 arma­dong civilian volunteers organization (CVO) ng maim­pluwensyang angkan ng mga Ampatuan ang pumo­sisyon na sa palibot ng Ma­guindanao.

Umalerto naman ang militar at pulisya sa anu­mang banta na maaring isa­gawa ng mga private armed group ng Ampatuan clan na sina­sabing sang­kot sa Ma­guin­danao massacre na ikina­sawi ng 57 katao kabi­lang ang 30 me­dia­men no­ong Nobyembre 23.

Aminado naman si Defense Secretary Norberto Gonzales na mas pinatindi nila ang paghahanda sa anumang magaganap na insi­dente kasunod ng pormal na paghahain ng kasong re­belyon ng pulisya sa Department of Justice laban sa angkan ng mga Ampatuan.

Sa panayam ng Defense Press Corps, inamin ni Gon­zales na kahit hawak na ngayon ng pamahalaan ang mga sinasabing utak sa Maguindanao massacre ay lumikha ito ng panibagong problema.

Ang grupo ng CVO ay may kapabilidad na mag­hasik ng terorismo laban sa mga si­ bilyan sa Maguin­danao.

“Alam mo pa ba ang kasalukuyang problema maliban sa nakuha natin ang utak? Aabot sa 2,000 pu­wersa nitong mga utak na ito ay nag-split sa 3 grupo at nakapaikot ngayon sa Ma­guindanao, hawak ang lahat ng malalakas na armas,” ani Gonzales.

Nabatid pa kay Gon­zales na ‘tip of the iceberg’ lamang ang bulto ng mga mataas na kalibre ng baril at iba’t ibang uri ng bala na nakumpiska ng AFP at PNP.

Samantala, nagpakalat ng mga leaflet na ibinabag­sak ng mga helicopter ng Philippine Air Force para pasukuin ang mga armado at mapanganib na mga Private Armed Groups ng ang­kan ng mga Ampatuan sa Maguindanao.

Ayon kay Col. Leo Ferrer, commander ng Army’s 601st Infantry Brigade, ang kahun-kahong leaflet ay ibina­bag­sak ng mga OV 10 bomber plane ng militar sa bahagi ng mga bayan ng Mama­sa­pano, Rajah Buayan, Reina Regente kung saan namo­nitor ang presensya ng mga armadong kalalakihan

Sinabi ng opisyal na ma­aring hindi naman lahat ng mga militia group ng mga Ampatuan ay sangkot sa massacre at natatakot la­mang lumantad dahilan ayaw ng mga itong ma­aresto at sumailalim sa pro­seso ng martial law.

Kaugnay nito, inihayag naman ni AFP- Public Affairs Chief Lt. Col. Romeo Braw­ner Jr. na patuloy na naka­katanggap ng surrender feelers ang AFP troops mula sa mga CVO’s.

Mga bakas ng dugo sa PNP vehicle nadiskubre

Narekober ng mga awto­ridad ang isang PNP vehicle at isa pang sasakyan na pawang may mga bakas ng dugo na pinaniniwalaang may kinalaman sa Ma­guin­danao massacre noong Nob­yembre 23.

Ayon kay Army’s regional spokesman Lt. Col. Ran­dolph Cabangbang, ban­dang alas-9:15 ng umaga nang nare­kober ng Army’s 601st Brigade ni Col. Leo Ferrer ang isang police vehicle at isang kulay puting Toyota Hi Lux (MDM 566) sa bisinidad ng Shariff Aguak, Maguin­danao.

 “Traces of bloodstains were noticed at the left portion (driver’s seat ) of the PNP vehicle,” pahayag ni Cabangbang.

Sa kasalukuyan ay nag­sa­sagawa na ng masusing im­bestigasyon upang matu­koy kung may kinalaman sa Maguindanao massacre ang narekober na PNP vehicle na may bakas ng natu­yong dugo.

Ang Maguindanao ay naunang isinailalim sa state of emergency bago ideklara ang martial law upang ma­bawi ang lahat ng bultu-bultong malalakas na kalibre ng armas at mga bala mula sa maimpluwensyang ang­kan ng mga Ampatuan na iti­nuturong nasa likod ng massacre na kumitil ng 57-katao kabilang ang 30 mediamen.

vuukle comment

AMPATUAN

ANG MAGUINDANAO

AYON

CABANGBANG

DEFENSE PRESS CORPS

LEO FERRER

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with