KIDAPAWAN CITY , Philippines — Isang batang babae ang iniulat na nasawi makaraang ma-trap sa nasusunog nilang bahay kung saan nadamay ang aabot sa 50 kabahayan sa Purok 4, Barangay Poblacion sa Cotabato City, noong Sabado ng umaga.
Hindi na naisalba pa ang buhay ni Sittie Asliya Baguer, 2, ng Purok Fatima, Barangay Martirez ng Poblacion 4. Napag-alamang si Baguer ay, ay pamangkin ni Sam Mundas na market administrator ng Cotabato City.
Ayon sa police report, nagsimula ang apoy sa tahanan ni Maimona Guiama, hanggang sa kumalat sa kalapit bahay kabilang na ang bodega ng Superama na pag-aari ni Oscar Tan Abing, presidente ng Cotabato City Grocers Association.
Ito na ang ikatlong pinakamalaking sunog na naganap sa Cotabato City nitong 2009 kung saan noong September 25 ay nasunog ang public market.
Nasundan ito noong October 23 kung saan tinupok ng apoy ang Our Lady of Fatima Church sa Poblacion 4. Malu Manar