^

Probinsiya

Bata natusta, 50 bahay naabo

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines  — Isang batang babae ang iniulat na nasawi makaraang ma-trap sa nasusunog ni­lang bahay kung saan na­damay ang aabot sa 50 ka­bahayan sa Purok 4, Ba­rangay Poblacion sa Cota­bato City, noong Sabado ng umaga.

Hindi na naisalba pa ang buhay ni Sittie Asliya Baguer, 2, ng Purok Fatima, Baran­gay Martirez ng Poblacion 4. Napag-alamang si Baguer ay, ay pamangkin ni Sam Mundas na market administrator ng Cotabato City.

Ayon sa police report, nagsimula ang apoy sa tahanan ni Maimona Guia­ma, hanggang sa kumalat sa kalapit bahay kabilang na ang bodega ng Supe­rama na pag-aari ni Oscar Tan Abing, presidente ng Cota­bato City Grocers Association.

Ito na ang ikatlong pina­kamalaking sunog na na­ganap sa Cotabato City nitong 2009 kung saan noong September 25 ay nasunog ang public market.

Nasundan ito noong October 23 kung saan tinupok ng apoy ang Our Lady of Fatima Church sa Pobla­cion 4. Malu Manar

vuukle comment

CITY GROCERS ASSOCIATION

COTA

COTABATO CITY

MAIMONA GUIA

MALU MANAR

OSCAR TAN ABING

OUR LADY OF FATIMA CHURCH

PUROK FATIMA

SAM MUNDAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with