^

Probinsiya

6 kidnaper utas sa shootout

- Ni Boy Cruz -

BULACAN, Philippines — Anim na ar­madong kalalakihan na sinasabing miyembro ng kidnap-for-ransom gang ang iniulat na napaslang ma­karaang makipagba­rilan sa mga alagad ng batas ka­hapon ng mada­ling-araw sa bayan ng Calumpit, Bulacan.

Nailigtas naman ang kinidnap na si Avtar Singh, negosyante at residente ng Veterans Village, Quezon City habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng anim na may mga tattoo sa iba’t ibang bahagi ng ka­tawan at sinasabing wa­lang anumang identification card na nakuha.

Lumilitaw na kinidnap ng grupo ang biktimang lulan ng Toyota Innova (ZFZ 629) noong Biyernes ng Disyembre 4 sa bisi­ni­dad ng Luzon Avenue, Que­zon City bago dinala sa bahagi ng Barangay Pio Cruzcosa sa bayan ng Calumpit.

Makalipas ang ilang oras ay nakipag-ugnayan ang mga kidnaper sa misis ni Avtar na si Amamia Singh kung saan humihingi ng P5 milyon ransom ka­palit ng kalayaan ng trader.

Kaagad naman naipa­abot ni Amamia ang insi­dente sa mga tauhan ng PACER kung saan naibaba ang ransom sa halagang P75,000.

Matapos na pumayag ang mga kidnaper na ma­ibaba sa P75,000 ang hini­hinging ransom ay napag­kasunduang iaabot ang nasabing halaga sa ba­ hagi ng Calumpit pero lingid sa gru­po ay naka­poste na ang mga tauhan ni P/Supt. Dave Foklay ng Intelligence Branch ng Bulacan PPO.

Dito na sumiklab ang shoot­out kung saan napa­tay ang tatlo habang ang tatlong iba pa ay napatay naman sa bisinidad ng Calumpit-Pulilan Road sa Barangay Caniogan mata­pos ang maikling habulan.

Narekober sa magkahi­walay na encounter site ang anim na baril, P75,000 na naibigay bilang ransom, at ang Toyota Innova na pag-aari ng Avtar.

vuukle comment

AMAMIA SINGH

AVTAR

AVTAR SINGH

BARANGAY CANIOGAN

BARANGAY PIO CRUZCOSA

BULACAN

CALUMPIT

CALUMPIT-PULILAN ROAD

SHY

TOYOTA INNOVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with