ZAMBALES, Philippines — Inaasahang magiging kapanapanabik ang May 2010 elections sa Zambales at Olongapo dahil sa kapwa bigating pulitiko ang maghaharap sa gubernatorial at mayoral race.
Sa Zambales, kasado na ang pound-for pound nina reelectionist Gov. Amor Deloso (Liberal Party) at Public Works Sec. Hermogenes Ebdane Jr. (Lapiang Manggagawa-Party List) sa gubernatorial race.
Unang binalak ni Ebdane, sa presidential race ngunit umatras dahil sa kakulangan ng pondo at paghahanda.
Gayon pa man, ikinagulat naman ang pagpasok ni Rose Enciso Magsaysay, anak ni ex-Governor Vicente Magsaysay sa gubernatorial race.
Samantala, magtatapat naman ang dalawang babae na sina ex-Vice-Governor Anne Gordon si reelectionist Rep. Mitos Magsaysay para sa 1st District ng Zambales.
Si Rep. Magsaysay ang nanalo sa congressional race laban kay ex-Mayor Kate Gordon, asawa ni Sen. Gordon, noong 2001 elections.
Ang anak ni Gov. Deloso na si Atty. Cheryl Deloso-Montalla ay kakandidato naman sa pagka-kongresista ng 2nd District ng Zambales laban kina incumbent-last termer Rep. Antonio Diaz at businessman Alfred Mendoza (Lakas-Kampi-CMD).
Maghaharap naman sina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at ex-Zambales Gov. Vicente Magsaysay sa mayoral race sa Olongapo City.
Napilitang mayoral race ng Olongapo si Magsaysay dahil sa kawalan ng pagbabago ng lungsod at napag-iiwanan na ng mga kalapit bayan.
Bagamat dating magkalaban sa politika, nangako ng suporta si Vic Magsaysay para sa kandidatura ni Cheryl Deloso laban kay Diaz, na pinsan ng mga Magsaysay. Randy Datu