^

Probinsiya

Pound-for-pound sa 2010 eleksyon Sa Zambales at Gapo

-

ZAMBALES, Philippines — Inaasa­hang magiging kapanapa­nabik ang May 2010 elections sa Zambales at Olon­gapo dahil sa kapwa biga­ting pulitiko ang magha­harap sa gubernatorial at mayoral race.

Sa Zambales, kasado na ang pound-for pound nina reelectionist Gov. Amor Deloso (Liberal Party) at Public Works Sec. Hermo­genes Ebdane Jr. (Lapiang Manggagawa-Party List) sa gubernatorial race.

Unang binalak ni Eb­dane, sa presidential race ngunit umatras dahil sa kakulangan ng pondo at paghahanda.

Gayon pa man, ikina­gulat naman ang pagpasok ni Rose Enciso Magsay­say, anak ni ex-Governor Vicen­te Magsaysay sa gubernatorial race.

Samantala, magtatapat naman ang dalawang babae na sina ex-Vice-Governor Anne Gordon si reelectionist Rep. Mitos Magsaysay para sa 1st District ng Zambales.

Si Rep. Magsaysay ang nanalo sa congressional race laban kay ex-Mayor Kate Gordon, asawa ni Sen. Gordon, noong 2001 elections.

Ang anak ni Gov. Deloso na si Atty. Cheryl Deloso-Montalla ay kakandidato naman sa pagka-kongre­sista ng 2nd District ng Zambales laban kina incumbent-last termer Rep. Antonio Diaz at businessman Alfred Mendoza (La­kas-Kampi-CMD).

Maghaharap naman sina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at ex-Zambales Gov. Vicente Magsaysay sa mayoral race sa Olon­gapo City.

Napilitang mayoral race ng Olongapo si Magsaysay dahil sa kawalan ng pagba­bago ng lungsod at napag-iiwanan na ng mga kalapit bayan.

Bagamat dating magka­laban sa politika, nangako ng suporta si Vic Magsaysay para sa kandidatura ni Cheryl Deloso laban kay Diaz, na pinsan ng mga Magsaysay. Randy Datu

ALFRED MENDOZA

AMOR DELOSO

ANTONIO DIAZ

CHERYL DELOSO

CHERYL DELOSO-MONTALLA

EBDANE JR.

GORDON JR.

MAGSAYSAY

SHY

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with