Abogado nilambat

MANILA, Philippines - Isang abogado na si Atty. Ricardo Deen Gonzales na nahaharap sa kasong perjury ang inaresto ng pulisya habang papunta siya sa Airport kamakailan. Isinagawa ang pagdakip kay Gonzales sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ni Manila Metropolitan Trial Court Judge Thelma delos Santos. Naunang kinasuhan si Gonzales dahil sa maling impormasyong ibinigay niya sa isang affidavit o sinumpaang-salaysay na isinampa sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Nagsampa ng naturang kaso si Assistant City Prosecutor John Eric Flordeliza. Si Gonzales din ang abogado ng Rural Bank of Cabadbaran at opisyal din ng Northern Mindanao School of Cabadbaran.

Show comments