Bus nahulog sa bangin, 23 katao sugatan
MANILA, Philippines - May 23 katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang isang pampasaherong bus nitong Huwebes ng hapon sa bayan ng Gallego, Camarines Sur. Ayon kay Police Regional Office 5 Director Chief Supt. Ruben Padua, naganap ang sakuna sa highway ng Barangay Comadaycaday sa Gallego dakong alas-2:30 ng hapon. Bumabagtas ang PP Bus Line na may plakang TWZ-873 na may body number 8228 sa nasabing highway nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver. Ang nasabing bus ay patungo umano sa Pasay City nang mangyari ang naturang trahedya. Tuluy-tuloy itong nahulog sa may 10 metrong lalim na bangin na ikinasugat ng 23 sa kabuuang lulan nito kabilang ang driver, assistant driver at konduktor. Joy Cantos
- Latest
- Trending